TUT (Tonyo's Unspoken Thought) Blog Entry 0813 - 001

on 8/13/2018
Maligayang kaarawan sayo Tonyo, sana ito ay simula ng bagong pagkakaabalahan mo. Sa mundo na puno ng Vlog, muli ka magsulat sa simple mong Blog (dahil aminin na naten, di ka kagwapuhan para magpakita ng muka at higit sa lahat isa ka lang dukha)

Pero bilang panimula (muli) sa aking pagsusulat, binabalaan ko kayong mambabasa (kung meron man), wala kayong kapupulutang aral sa aking mga isusulat, marahil ito ay isang pampalipas oras ko lamang, o kaya mga bagay na hindi ko masabe sa mundo kaya dito ko na lang ilalagay.

Tulad ng dati, random post ng kung ano anong maisipan ko ang malalagay ko dito, kwento ng buhay ko, dahil tulad ngaun masyadong mabilis ang oras, ang pagtakbo ng mundo di ko alam kung hanggang kailan na lang ang ikot nito.

Gusto ko lang magsulat at marinig ang bawat salitang nalalagay ko, dahil bente otso na ako, d ko pa din alam kung para san tong buhay na binigay sa akin, dasal ko lang na sana di lang ako basta tagabayad ng mga bills sa bahay, at mahanap ko na kung ano ba talaga ang gagawen ko sa buhay ko. Masyado na bang madrama para sa panimulang Blog, wag kayong mag alala, gusto ko lang din naman sumaya at maniwala kayo, Im positive on my blood...

Tonyo
0813-001